Ways Para Madaling Makamemorize (Buhay Estudyante)
May time talaga na may kailangan kang imemorize ngunit may oras rin na hirap kang magmemorize, as in wala talagang pumapasok sa utak mo kahit anong gawin mo. Ang problema pa doon, napaka-importante ng imememorize mo o kaya may test na magaganap kinabukasan, nganga ka tuloy. Since na nararanasan ko ito palagi at may mga alam akong ways para makamemorize, isheshare ko ito sa inyo.
Intindihin ang minememorize
Memorize ka nga ng memorize, hindi mo naman alam ang ibig sabihin ng minememorize mo o kaya hindi mo alam ang meaning ng ibang words doon, mahihirapan ka talaga. Basahing mabuti ang mga salita at intindihin ito, kapag naiintindihan mo ito, mas maaalala mo ang mga ito. Hanapin sa diksyunaryo ang mga salitang hindi mo alam ang kahulugan, mag-iimprove pa ang vocabulary mo.
Siguraduhing maayos ang mga gamit at malinis ang lugar mo
Ito ay upang maiwasan ang distraksyon ng paligid habang ikaw ay nag-aaral o nag-mememorize. Ito rin ay para maging kumportable ang lugar at nakakarelax sa mata at sa utak. Ang mga gamit ay dapat ayos para hindi ka maguluhan, kung ayaw mong mawalan ng gana o mainis kakahanap at kakatayo para kumuha ng mga kailangan.
Isulat ang minememorize sa notebook o sa papel
Ang pagmememorize ay pwede rin namang non-verbal. Hindi mo binibigkas ang iyong minememorize kundi isinusulat ito sa notebook o papel. Epektibo ito sa ibang tao at isa na ako doon. Pwede mo itransfer o isulat ang iyong minememorize sa papel o sa notebook para madala mo rin ito kahit saan at ito'y magaan.
Bigyang halaga ang ginagawang pagmememorize
Isipin mong kailangan mong magmemorize upang ika'y makapasa o para makasagot ka sa graded recitation. Kailangan mo itong Iprioritze para hindi mo makalimutan at hindi ka tamarin. Ito rin ay para hindi ka magfocus sa ibang bagay.
Isipin mo na ang ginagawa mo ay madali lang
Relax ka lang. Sa totoo lang, madali lang naman ang pagmememorize, ayaw mo lang bumagsak kaya kinakabahan ka, feeling mo rin hindi mo talaga kaya at gusto mo nang sumuko. Huminga ka lang ng malalim, huwag mong ipressure ang sarili mo, hindi ka naman talaga mahihirapan kung nakikinig ka sa guro mo o iniintindi mo talaga at pursigido kang imemorize lahat. Isipin mo lang na laging madali ang iyong ginagawa, madali madali madali.
Ulitin ng ulitin
Kapag nagmememorize ka, ulit-ulitin mo lang, kahit na kabisado mo na, ulit-ulitin mo pa rin para tumatak sa utak mo at para mas mahasa pa at maalala mo ang iyong minememorize.
Dahan-dahan lang
Huwag mong ipilit o biglain, mahabang pasensya ang kailangan dito. Dahan-dahan lang ang pagmememorize, word by word and sentence by sentence, basta huwag mong madaliin. Kung kabisado mo na ang 1st sentence, 2nd naman, hanggang sa 3rd, 4th, at last.
Huwag tumingin sa kopya
Kapag medyo memorized mo na, try mong huwag tumingin sa kopya, irecite mo o isulat mo ng hindi sumisilip sa kopya. Kahit mabagal ang pagrecite mo o nakakalimutan mo ang kasunod, itry mong alalahanin, kapag hindi mo na kaya, doon mo na silipin at icheck kung ano ulit ang kasunod. Kahit nauutal-utal kang magsalita, kaya mo yan, ulit-ulit lang at try mong hindi tumingin sa kopya.
Magpatulong
Makiusap ka sa iba na tulungan ka, mapakaibigan, parents, kapatid, pinsan, at classmates. Kung hindi mo classmates, ipahawak mo sa kanya ang kopya at irecite mo sa harap niya, kapag may mali ka, papahintuin ka niya at sasabihin ang mali mo hanggang sa makabisado mo. Kapag kaklase mo naman, good thing, magtulungan kayo, same lang din ang process pero salitan kasi baka kailangan niya rin magmemorize.
Take a break
Huwag mong pagudin ang utak mo't baka antukin ka. Huminto ka para magpahinga ng sandali o magtimpla ng kape at kumain, pwede ka rin muna magpatugtog o ipikit ang iyong mga mata't mag-unat. Hangga't sa maaari, iwasan ang gadgets o kahit-anong makakaistorbo sa iyo at makakakain ng oras mo gaya ng internet, tv, gala, gagets at iba pa. Iprioritize mo kasi ang ginagawa mo.
Magdasal
Magpray ka lang kay Lord for guidance and more energy at patience, bibigyan ka niya.