Home Remedies Para sa Pimples
Naiinis ka ba sa iyong mga pimples o tigyawat? Gusto mo ba ito mawala kaagad at muling kuminis ang iyong mukha? Simple lang naman ang iyong gagawin at hindi mo na kailangang lumayo pa para bumili sapagkat karamihan naman sa mga ito ay makikita sa bahay.
Bawang
Ang bawang ay antiviral, antifungal, antiseptic at antioxidant kaya ito'y epektibo sa pagtanggal ng mga pimples. Ito rin ay mayroong sulphur na pantanggal ng acne. Hugasan at pisatin ang bawang upang lumabas ang katas nito, ipahid sa iyong mga pimples at iwanan ng mahigit na limang minuto bago hugasan ang mukha.
Yelo
Ang yelo ay maganda sa blood circulation ng dugo sa mukha kapag inapply, epektibo rin ito sa pagtanggal ng mga dumi sa iyong mukha. Kumuha ng cube o maliit na piraso ng yelo at ipahid sa pimples, siguraduhing malinis ang iyong mga kamay at ang yelong gagamitin.
Kalamansi/Lemon
Ang kalamansi at Lemon ay nagtataglay ng Vitamin C na epektibo sa pagtanggal ng pimples o tigyawat. Maghilamos muna at magpatak ng katas ng kalamansi o Lemon sa bulak at ipahid ito sa mukha lalo na sa pimples.
Honey
Ang honey ay nagtataglay ng antibiotic kaya ito'y epektibo sa pagtanggal at paghilom ng mga pimples o mga tigyawat. Maglagay ng kaunti sa bulak at ipahid ito sa mukha at iwanan ito ng mahigit sa kalahating oras at maghilamos.
Baking Soda
Ang Baking Soda ay epektibo sa pagtanggal ng pimples o tigyawat at ito'y walang halong kemikal na nakakasama sa kalusugan, pwede rin ito gamitin ng mga taong sensitibo ang balat. Maglagay sa maliit na platito ng baking soda at kaunting tubig, haluing mabuti hanggang sa maging malabnaw at parang paste, ilagay sa mukha at iwanan ito ng mga ilang minuto lamang sapagkat nakakatuyo ito ng balat. Maaaring ulitin ng dalawang beses kada-araw.
Cucumber
Ang Cucumber o Pipino sa tagalog ay siksik sa Vitamin A, C, E, at Potassium na nakakawala ng pimples. Maaring magslice ng maliit neto at ipahid sa mukha pagkatapos maghilamos. Maari rin hiwain sa maliliit ito at ibabad sa tubig ng ilang oras, ang tubig ay pwedeng inumin at ihilamos sa mukha. Maaari rin durugin ang Pipino at gawing face mask, ito'y ibalot sa buong mukha ng mga kalahating oras hanggang isang oras bago tanggalin.
Toothpaste
Gumamit lamang ng puting toothpaste at huwag ang gel type, ilagay ang toothpaste sa mga pimples na namamaga't namumula bago matulog. Kinaumagahan, maghilamos at pahiran ng yelo ang mukha. Ito'y nakakatanggal ng pamamaga at pamumula ng pimples para hindi halata.